Ang pinaka bida sa palabas na ito ay si Tom at Jerry.Si Jerry ay isang daga na simpleng naninirahan sa kanyang lungga
na kinatitirikan ng tinitirhan ni Tom na isa namang pusa na palaging pinagbabalakang hulihin at patayin si Jerry.Sa
kanilang dalawa ay si Jerry ang mas mabait.Si Tom naman ang masama sa kanilang dalawa,dahil kung ano man ang magustu-
han niya ay kailangan niya itong makuha sa paraang alam niya makasasama man ito o makabubuti sa mga maapektuhan ng
kanyang gagawin.Sa kanilang pag-aaway ay kadalasang nagkakaintindihanan at nagtutulungan ang dalawa kapag sila ay
parehas na mapapahamak.Ngunit hindi talaga naaalis kay Tom ang pagiging isang traydor,dahil sa kanilang pagtutulungan
minsan ay ipinapahamak niya si Jerry mailigtas lamang ang kanyang sarili.Sa mga ginagawang patibong ni Tom para hulihin
at patayin si Jerry ay nagagawan naman ito ng paraan ni Jerry para malampasan ang mga ginawang patibong ni Tom para
hulihin siya.Minsan ay hindi na natitiis ni Jerry ang mga ginagawa sa kanya ni Tom kaya naman naiisipan niyang gan-
tihan si Tom sa mga ginagawa nito sa kanya.
No comments:
Post a Comment