Si Jackie ay lumaki ng wala sa piling ng kanyang ina, tanging ang kanyang ama lamang ang kasama niya kaya ito naging
suwail sa magulang. Sumasali siya sa car racing hanggang sa siya’y nakulong at pinilit ng kanyang ina na pasamahin
sa medical mission sa Tarlac. Noong una ayaw niyang sumama pero dahil sa kapalit nito na doon siya mag-aaral sa New
York napilitan siyang pumayag.Tumira siya sa maliit na bahay doon sa Tarlac kasama ang dalawang bata,walang nag-aasikaso
at nag-aalaga sa kanya doon maliban nalang sa kanyang sarili. Doon siya natutong tumayo sa sariling mga paa. Doon
niya naranasan ang hirap ng buhay walang kuryente, walang signal at kung maliligo siya pa mismo ang mag-iigib ng tubig
para sa sarili.Inaliw niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato sa lahat ng kanyang nakikita. Sa-
mantalang si Kiko naman ay hindi nawalan ng pag-asa sa pagpapaalala kay Jackie kung paano magmahal at magbigay sa kapwa.
Noong unang pagkakataon na nakita nya ang kanyang ina na abalang-abala sa pag-aalaga ng mga batang may sakit naiyak
siya at nainis dahil hindi man lang niya naramdaman na inaalagaan ng kanyang ina. Nagpatuloy lang siya sa pagkuha ng
litrato hanggang napansin siya ng kanyang ina na siya’y umiyak. Nabigyan nila ang isa’t-isa para magkausap at doon
ipinalabas ni Jackie ang lahat ng sama ng loob. Pinapaintindi ni doktora kay Jackie ang rason kung bakit niya nagawang
iwanan noon ang anak. Sinabi ni doktora na iniwan niya si Jackie dahil sa hindi nila pagkakaintindihan ng ama nito na
nagdudulot sa palagihang pag-aaway nila. Nangibang bansa siya para ayusin ang kanyang sarili at minsan na niyang bisitahin
si Jackie para makilala ito ngunit pinagkaitan siya ni Arthur, (ang ama ni Jackie) na Makita ang anak. Marami pang
nangyayari doon hanggang sa natauhan si Jackie at natutunan niya ring magpatawad, humingi ng tawad, makipaghalubilo
sa kapwa at higit sa lahat magmahal. Minsan na siyang nasaktan ngunit nagmahal parin siya hanggang sa papunta na siya
ng New York ay hinabol siya ni Kiko para ligawan. Sa tulong ni Marcus naging sila ni Kiko. Natutunan ng lahat na mag-
patawad at natapos ang kanilang pelikula ng lahat sila ay Masaya at may maraming magandang aral na ibinaon sa lahat
ng mga manood.
No comments:
Post a Comment