Sunday, September 11, 2016

Angel's Revenge

Ang pinaka bida sa palabas na ito ay si Angel.Na ang pangarap ay maging isang ganap na madre.Ngunit sa nangyari sa

kanyang Ate ay mag-iiba ang takbo ng kanyang buhay.Ang dating babaeng halos hindi makabasag pinggan at isang babaeng

mapagpatawad sa lahat ng may kasalanan at puro kabaitan ang laman ng puso ay lalamunin ng paghihiganti,galit at ka-

lungkotan sa kanyang puso't isipan.Sa kanyang paghihiganti ay makikilala niya si Rex na unting unting ibabalik at

ipaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa at may nagmamahal pa sa kanya.Mahuhulog ang loob niya para kay Rex.Ngunit

sa kabila nito  ay doon magbabalik ang kanyang galit at sama ng loob ng makita niya ang dating kasinthan ng kanyang

Ate na siyang pinaghihinalaan nitong pumatay ay nagpasakit sa damdamin ng kanyang Ate.Ngunit sa huli ay naibalik uli

siya ni Rex sa dating siya na mabait,hindi makabasag pinggan at ang babaeng mapagpatawad sa mga taong nagkakasala

sa kanya.at dahil doon makakalimutan na niyang maghiganti sa dating kasintahan ng kanya Ate.At unti-unti na rin

niyang kinalilimutan ang mga bagay na nakapag papaalala sa kanyang nasirang kapatid..

No comments:

Post a Comment