Tuesday, September 20, 2016

Mga Tauhan Sa Spongebob SquarePants

Ang mga pangunahing bida sa palabas na ito ay si Spongebob na isang palakaibigan at nakakatawang espongha na mahilig

manghuli ng mga dikya at paglalaro ng karate.Hanap-buhay niya ay ang pagpiprito ng Kraby Patty sa kainang Krasty Krub.

Siya ang magaling na trabahador ni Mr.Krubs.Siya ay may alagang Suso na ang pangalan ay Garry.Ang pangalawa naman na

tauhan ay si Patrick.Ang pinaka matalik na kaibigan ni Spongebob.medyo hindi naiintindihan ang mga bagay na nangyayari.

Ang pangatlo naman na tauhan ay si Mr.Krubs.Isang kuripot na alimango na may ari ng Krusty Krubs.Ang pang-apat naman

na tauhan ay si Pearl.Anak ni Mr.Krubs na mahilig sa gala at mga gimik.Ang pang-lima naman na tauhan ay si Squidward.

Kapitbahay ni Spongbob at Patrick na trabahador din sa Krusty Krubs at mahilig tumugtog ng klarinet bagamat walang

kaalaman rito.Wala masyadong nakakalam na isa siyang pugita at hindi isang pusit.Madalas siyang naiinis kay Spongebob

ngunit hindi nagsasawa si Spongebob na kaibiganinn ito.Ang pang-anim naman na tauhan ay si Garry.Alaga at kaibigan

ni Spongebob.Ang pang pito naman na tauhan ay si Mrs.Puff.Isang guro ni Spongebob sa pagmamaneho.Sila ang mga tauhang

kumukumpleto sa palabas na Spongebob SquarePants.

No comments:

Post a Comment