Ang pinaka bida sa palabas na ito ay si Pacman na kumakain ng mga multo.Mayroong mga kaibigan si Pacman na palaging
tumutulong sa kanaya na patayin at ubusin ang mga multong gumagala sa kanilang lugar para lang maghasik ng kaguluhan
sa mga tao.Si Betrayus ang pinaka masamang kalaban ni Pacman dahil siya ang nag-aalaga at ang nag-uutos sa mga multo
na sakupin ng sang-katauhan upang siya na ang mamuno sa buong mundo.Maraming hawak na mga multo si Betrayus kaya naman
kahit na anong gawin ni Pacman na pagkain sa mga multong ipinapadala ni Betrayus sa kanilang lugar ay hindi parin ito
maubos-ubos.Maraming beses na nagpapadala ng kun g ano-anong klase ng multo si Betrayus sa lugar nila Pacman ngunit
madali lamang niya itong nauubos at napapatay sa paraan ng pagkain sa mga ito.Palagi siyang tinutulungan ng kanyang
mga kaibigan sa kanyang pakikipaglaban sa mga multo kaya naman mas napapadali sa kanya ang pag-ubos at pagpatay sa
mga ito.Sa huli ay palaging si Pacman ang nagwawagi sa mga multong ipinapadala ni Betrayus para sakupin ang sang-
katauhan,at para narin patayin si Pacman na laging humahadlang sa kanyang mga ginagawang plano.
No comments:
Post a Comment