Sunday, September 25, 2016

The Road

Ang tinaguriang psychological thriller ay pinangungunahan ng mga pangunahing artista ng GMA Network na sina Carmina

Villaroel, Marvin Agustin, Rhian Ramos, Barbie Forteza at TJ Trinidad kasama sina Alden Richards, Louise delos Reyes

,Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, Ynna Asistio at Renz Valerio. Naroon din sa pelikula para sa mahahalagang papel

ang mga artistang sina John Regala, Lloyd Samartino, Gerald Madrid, Allan Paule, Jaclyn Jose at ang ipinakikilalang

sina Dex Quindoza at Ana Abad Santos.Ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa labindalawang taong kaso na muling nabuksan

nang may tatlong kabataan ang nawala sa isang abandonadong daan o road.At habang gumugulong ang imbestigasyon,nagaganap

at natutuklasan pa ang mas maraming kahindik-hindik na kuwento ng pagkawala at pagpatay. Matapos ang dalawang dekada

, ang mga lihim ng daan ay tuluyan nang naibunyag pati na ang mga multong nananatili sa dilim at tinitiyak na walang

sinumang aalis sa daang iyon nang buhay.

No comments:

Post a Comment