Thursday, September 22, 2016

Alyas Robin Hood

Ang pinaka bida rito ay si Dingdong Dantes,bilang "Pepe".Magsisismula ang kanyang pagiging pasaway na anak ng dahil

sa nangyari sa kanyang kuya at sa mga nangyayari sa mga mahihirap na dinadaan lamang ng mga may kaya sa kanilang mga

pera o kayamanan.Sa nangyari sa kanyang kuya ay napadalas ang kanyang pakikipag away dahil narin sa gusto niyang ipa-

kita sa kanyang Ama na kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.Kaya naman ng lumaki na siya ay umalis siya sa ka-

nilang tahanan upang makaiwas sa kanilang pag-aaway ng kanyang Ama.Sa kanyang pag-alis ay naghanap siya ng pwede

niyang pagkakitaan ng pera.Delikado man ito o hindi ay kanyang ginagawa maipagpatulo lamang niya ang kanyang pag-aaral

sa Kolehiyo.Sa kanyang pag-alis ay doon siya nahanap ang taong tumulong sa kanya sa kanyang pag-aaral at ang tumulong

sa kanya upang makahanap ng matinong trabaho.Nang makapagtapos na siya ng kanyang pag-aaral na naisipan na niyang

umuwi sa kanyang mga magulang dahil naisip niyang mayroon na siyang maipagmamalaki sa kanyang mga magulang.Sa kanyang

pagdating ay hindi naging maganda ang kanilang unang paghaharap ng kanyang mga magulang,ngunit ng tumagal ay natutunan

narin siya nitong mahalin muli katulad ng pagmamahal na ibinibigay nila noon sa kanya bago pa magsimula ang lahat.

No comments:

Post a Comment