Tuesday, September 6, 2016

Descendants Of The Sun

Ang pinaka mahalagang tauhan dito na gumaganap ay sina Maxine Kang,Lucas Yoo.Si Maxine Kang ay isang doktor na gusto

lang matupad ang kanyang mga pangarap.Si Lucas Yoo naman ay isang sundalong ang pangarap ay makapaglingkod sa bayan

ay sa kanyang bansa.Sa una palang nilang pagkikita ay nagkagusto na agad sila sa isat-isa.Ngunit hindi alam ni Maxine

kung tama ba ang nararamdaman niya kay LUcas dahil natatakot siyang mahalin si Lucas dahil narin sa katayuan ng klase

ng trabahong kinakaharap nito araw-araw.Ngunit kung si LUcas ang tatanongin ay talagang seryoso siya sa nararamdaman

niya para kay Maxine.Kahit ilang beses nang nabusted si Lucas kay Maxine ay mamahalin parin niya ito hanggang sa huli.

Nang nagtagal ay hindi na kinaya ni Maxine ang pagtitiis kaya naman sinagot na niya si Lucas bilang kasintahan niya.

Si Moira Yoon at Diego Si Yoon naman ay may gusto rin sa isat-isa.Ngunit dahil sa papa ni Moira pinilit ni Diego na

iwasan si MOira dahil narin sa kagustuhan ng papa nito.Hindi gusto ng papa ni MOira si Diego para maging Kasintahan

ni MOira.Kaya naman ang ginawa ni Diego ay iniwasan niya si MOira upang hindi na lumalim ang nararamdaman niya para

sa dalaga.Ngunit habang lumalayo siya ay mas lalo lang niyang naaalala ang namimiss si MOira sa bawat araw na wala

ito s kanyang tabi.Nang hindi na niya natiis ay umamin narin siya sa nararamdaman niya kay MOira.Subrang saya ang

naramdaman ni Moira sa mga oras na yon,dahil ang lalaking matagal niyang minamahal at hinahabol-habol ay umamin sa

kanya ng nararamdaman nito.Kaya naman naging sila rin ni Diego,kahit na alam nilang dalawa na maaaring magalit ang

papa ni MOira at tanggalin sa trabaho si Diego ay ipinagpatuloy parin nila ito.

No comments:

Post a Comment