Natapos ang Descendants of The Sun ng buhay na nakabalik si Lucas at Diego.Noong mga panahon akala ni Maxine na patay
na si Lucas ay subra talaga siyang nasaktan.Palagi siyang umiiyak kapag naaalala niya ang mga bagay na nangyari sa
kanya kasama si Lucas.Sa mga panahong wala si Lucas sa tabi niya ay hindi naging madali itong tanggapin para sa kanya
dahil narin sa subrang mahal na mahal niya si Lucas.Sa matagal na pagkawala ni Lucas ay itinuon na lamang ni Maxine
ang kanyang oras sa panggagamot at pagliligtas ng buhay sa mga taong nangangailangan.Naging isang tanyag na Doktora
sa kanilang ospital.Lumipas ang isang taon at ang kamatayan ni Lucas ay nalalapit na,kaya naman naisipan ni Maxine
na dalawin ang puntod ni Lucas.Sa pagdating niya doon ay bumalik nanaman ang mga naiwang alaala ni Lucas para kay
Maxine,kaya naman hindi na niya napigilan pang umiyak.Sa pagtagal ng oras ay nahimas=masan na siya sa pag-iyak at
naisipan na niyang umuwi ng biglang tumunog ang radio at nagsalita si Lucas dito.Sa una akala ni Maxine ay nababaliw
na siya dahil naririnig niya ang boses ni Lucas.Pero sa pangalawang pagkakataon ay napaiyak nanaman siya dahil nala-
man niyang si Lucas talaga ang taong nagsalita sa radio.Subrang saya ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon dahil
sa wakas ay makakasama na ulit niya ang lalaking kanyang pinaka mamahal na si Lucas Yoo aka "Big Boss".
No comments:
Post a Comment