Ang pinaka mahalagang gumaganap sa palabas na ito ay sina Shone at Nam.Si Shone ay ang tipo ng lalaking mahilig kumu-
ha ng mga litrato ng kung ano-ano mapa bagay,hayop halaman o tao pa man ito.Magaling din siyang maglaro ng soccer.Si
Shone ay isa ring sikat sa kanilang paaralan dahil narin sa kagandahang lalaking taglay nito.Matalino at mabait din
siya.Si Nam naman ay isang tipo ng babaeng walang kaayos-ayos sa katawan.Ngunit simula ng makita niya si Shone at mag-
kagusto siya sa binata ay inayosan siya ng mga baliw niyang kaibigan.Simul rin ng makita ni Shone si Nam noong binigyan
niya ito ng mangga ay nagklagusto narin ito sa kanya.Sumali si Nam sa isang patimpalak na siya ang gaganap bilang si
Snow White.Ang kapareha niya ay si Shone.Pagkatapos ng pagsali niya sa patimpalak na iyon ay isinali naman siya ng
kanyang guro sa Majorette.Simula ng sumali siya doon ay unti-unti ng nagbago ang kanyang itsura.Nang mga panahong may
balak na sanang umamin si Shone sa nararamdaman n iya para kay Nam ay naunahan siya ng kanyang pinsan.Ang akala ng
pinsan ni Shone ay sila na ni Nam dahil palagi niya itong hinahatid sa kanilang tahanan.Humingi ng pabor ang pinsan
ni Shone sa kanya na hindi pwedeng ligawan ni Shone si Nam,hindi alam ni Shone ang gagawin kaya naman pumayag na lang
rito.Dumating ang Valentine's Day.Naglakas ng loob si nam na aminin kay Shone ang kanyang nararamdaman.Ngunit huli na
ang lahat dahil si Shone ay meron ng kasintahan.Umalis si Nam sa kanilang lugar simula noong nangyari yon.Pumunta siya
sa kanyang papa at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral at pagtatrabaho.Naging isa siyang sika na Fashion Designer sa
Bangkok.Si Shone naman ay naging isang magaling na Photographer.Sa huli ay nagkita uli silang dalawa at doon na umamin
ng nararamdaman ni Shone para kay Nam.At doon din sila naging magkasintahang dalawa.
No comments:
Post a Comment