Saturday, September 24, 2016

Pagpag Siyam na Buhay

Mapapadpad ang mga magkakaibigan na sina Cedric (Daniel Padilla),Hanna (Michelle Vito),Ashley (Miles Ocampo),Justin

(CJ Navato) and Rico (Dominic Roque) sa burol ni Roman (Paulo Avelino) matapos ang magdamag na pagliliwaliw.Nauna

rito ay magkakaroon ng mainitang pagtatalo sina Cedric at Hanna at magiging dahilan ng pagkasugat ni Cedric.Madidis-

kubre ng grupo na ang nangangasiwa sa patay ay si Leni (Kathryn Bernardo).Samantala,nagsasa-alang-alang ng mga pama-

hiin ang pamilya ng namatay, para diumano walang malasin na sumunod sa namayapa. Mga pamahiin tulad ng bawal ang

pagwawalis,bawal matuluan ng luha ang kabaong, bawal mag uwi ng pagkain,bawal kupitan ang abuloy,bawal tumingin sa

salamin,bawal makiramay ang may sugat,bawal dumiretso sa bahay at kailangan mag “pagpag” ng sarili kapag galing sa

burol o libing.Mangyayaring lalabagin lahat  ito ng magkakaibigan pati na ilang miyembro ng pamilya ng namatay.

Samantala,mapapag-alaman na napatay ng taong bayan si Roman dahil diumano sa pakikipagkasunduan nito sa dimonyo na

pumatay siya ng siyam na tao kapalit ng pagbabalik ng buhay ng namatay na anak.Dahil sa paniniwala na di nagpagpag

ng mga sarili pagdating sa kani-kanilang bahay ang mga nagtungo sa burol ni Roman ay  sinundan sila ng kaluluwa nito

at isa isang nagbuwis ng buhay sa ibat ibang paraan kasabay ng lagim ng takot na idudulot nya.Sa pagkakataong ito

ay siya naman ang magbabalik buhay kapalit ng siyam na mamamatay.Sa pagkasawi ng ikapitong tao ay mapapagtanto nina

Cedric,Leni at Mac Mac (Clarence Delgado) na may kaugnayan pa rin sa kasunduan na ginawa ni Roman sa dimonyo ang

mga malalagim na kaganapan at kailangan maisalba sa panganib ang dalawang buhay na maaring sila din.

No comments:

Post a Comment