Ang pinaka bida sa palabas na ito ay ang tatlong magkakaibigan na sila Rikki,Cleo,Emma.Sila ay simpleng magkakaibigan
na nag-aaral ng mabuti at masaya sa kanilang pamumuhay.Hanggang sa dumating ang isang araw na napadpad sila sa Mako
Island at doon na nangyari ang simula ng pagbabago sa kanilang mga buhay at kapalaran.Nang dahil sa Mako Island sila
ay nagiging mga sirena sa tuwing sila nababasa ng kahit na anong klase ng tubig.Ang kanilang kaibigan na si Lewis
ang kaisa isang taong nakakaalam sa mga nangyayari sa kanilang buhay pati narin ang pagiging mga sirena nila ay alam
rin ni Lewis.Sa una ay hindi talaga nilang tatlo matanggap ang pagiging sirena,ngunit naisip isip nila na wala na
silang ibang magagawa kundi tanggapin ang lahat lalong-lalo na ang kanilang pagiging sirena.Si Lewis ay may gusto
kay Emma kaya naman kahit na anong iutos sa kanya ni Emma ay kanyang sinusunod.Si Lewis lang din ang mapagkakatiwa-
laan ng tatlo sa kanilang mga problema lalong lalo na sa kanilang pagiging sirena.Si Lewis ang tipo ng taong hindi
sinasabi sa iba ang mga bagay na dapat ay sa kanya lamang at sa taong nagsabi sa kanya.Dahil doon ay madali lamang
gumaan ang loob ng tatlong magkakaibigan kay Lewis at pinagkatiwalaan agad siya ng tatlo.
No comments:
Post a Comment