Ang pinaka piba sa palabas na ito ay sina Athena Dizon at Kenjie Delos Reyes.Si Athena ay isang simpleng babae na ang
gusto lamang ay makapag tapos ng pag-aaral.Si Athena ay may karamdamang ayaw niyang ipaalam at malaman ng iba maliban
sa kanyang mga magulang at kakilala na matagal ng alam ang kanyang karamdaman.Si Kenjie naman ay ang lalaking nagha-
hangad na mahalin ulit siya ng kanyang Ex.Pinilit ni Kenjie si Athena na mag panggap bilang kanyang kasintahan upang
pagselosin ang kanyang Ex.Hanggang sa hindi na kinaya ni Athena ang kakulitan ni Kenjie kaya naman napilitan na siyang
magpanggap bilang kasintahan ni Kenjie.Sa una ay nagiging maayos naman ang lahat dahil tumatalab sa Ex ni Kenjie ang
kanilang pagpapanggap ni Athena na pagselosin ang kanyang Ex.Isang araw ay inataki ng karamdaman niya si Athena dahil
sa mga lugar na pinupuntahan nila ni Kenjie.Hindi siya nakapasok buong araw dahil sa nangyari.Alalang-alala si Kenjie
kay Athena dahil simula umaga ay hindi pa niya ito nakikita.Nang humupa na ang karamdaman ni Athena ay kinausap niya
si Kenjie na kung pwede ay tigilan na nila ang pagpapanggap dahil hindi na niya kayang pigilan pa ang nararamdaman
niya para kay Kenjie.Dahil sa pag-amin niya ay umamin din si Kenjie kay Athena na mahal narin niya ito.Naging sila
ni Athena sa mga oras na yon.Isang araw ay may nangyaring masama sa Ex ni Kenjie kaya naman napilitang puntahan ni
Kenjie ang kanyang dating kasintahan.At doon nangyari ang pagpaparaya ni Athena kay Kenjie para samahan ang Ex nito
habang nabubuhay pa ito,dahil mayroon ding masamang karamdaman ang Ex ni Kenjie.Simula noon ay hindi na sila nagkita
pang muli.
No comments:
Post a Comment