Hmmm… this movie got only two star among the movie commentator chuva… pero wala ako care… kasi, nag enjoy naman ako
sa movie na ito sa kabila ng kakulitan ng pinsan ko na hindi mapakali sa upuan… Aliw na aliw ako sa kanilang awit
ng “Christmas… Christmas… hula hoop…” well, yan lang kasi ang mga particular na salitang naalala ko sa kanta nila na
nag hit agad sa masa…Naaliw ako sa kakulitan ni Alvin, natuwa ako sa karakter ni Simon (tipong seryosong makulit),
at na-touch ako sa sweetness ni Theodore. Even at my age, para akong musmos na batang nangangarap na sana totoong
nag-e-exist ang tulad nila at makakasama ko at para kaming isang pamilya na nag-aalaga at nagpapahalaga sa bawat isa.
Iyon ang aral ng pelikulang ito, ang pagpapahalaga sa pamilya. Kung paanong itinuring ng tatlong chipmunks na pamilya
o ama si Dave Seville. Dahil ang uri nila, kapag naipanganak na, matapos ang isang linggo ay iniiwan na sila ng magulang
nila upang mamuhay sila ng independent sa kanila. Ipinakita nila na naghahanap sila ng kalinga ng magulang.
Naisip ko lang, bakit tayo kahit lagpas na sa 2/3 ng kalendaryo ang edad, tapos na ng kolehiyo at nagtatrabaho, hindi
pa din pinalalaya ng ating magulang… merong mabuting dulot, merong masama… di ko na nais palawigin… sabi ko nga, naisip
ko lang naman.Super ok ang movie na ito at nakakatuwa talaga, that is, kung mababaw lang ang kaligayan nyo gaya ko.
No comments:
Post a Comment