Sa pagtugis ni Agimat (Bong Revilla) sa kalaban ay mapapadpad siya sa Enkantasya kung saan kasalukuyang sinusundo ni
Enteng (Vic Sotto) ang kanyang asawa na si Faye (Gwen Zamora). Sa simula ay mapapagkamalan ni Enteng na kalaban si
Agimat subalit mamamagitan si Ina Magenta (Amy Perez) at matatanto ni Enteng na magkakampi sila sa pagsupil sa kasamaan.
Upang matupad ang pagsasanib-puwersa nina Agimat at Enteng ay sabay silang magbabalik sa mundo ng mga tao upang magbigay
ng proteksyon laban sa paghahasik ng lagim ng mga kampon ng kadiliman. Sa maikling pamamalagi ni Agimat sa tahanan
ni Enteng nakadama si Agimat ng magkahalong kasiyahan at panibugho dahil sa nakita niyang magandang samahan ng pamilya
ni Enteng. Naisip niya na dahil sa pagtupad niya sa kanyang misyon na paglaban sa kasamahan ay hindi siya nagkaroon
ng pagkakataon na magkapamilya. Lingid sa kaalaman ni Agimat, si Samara (Sam Pinto), isang babaeng mandirigma, ang
matagal nang humahanga at inaasam na maging asawa niya. Magiging tulay ang batang si Bebeng (Jillian) na kapwa nila
nailigtas mula sa kamay ng mga halimaw upang magkalapit sina Agimat at Samara. Katulad ni Enteng ay nakasumpong din
si Agimat ng masayang pamilya sa piling nina Samara at ng ulilang si Bebeng na itinuring nilang anak. Samantala nag-
sanib din ng mga pwersa ang mga mortal na kalaban nina Enteng at Agimat. Mula sa taglay na kapangyarihan ng mga kampon
ng kadiliman ay ginaya ang anyo ng dalawa upang kidnapin sina Faye at Samara at pagbintangan ang isa’t isa. Dahil dito
ay magiging magkalaban sina Enteng at Agimat
No comments:
Post a Comment