Sunday, September 4, 2016

Ang Paggawa Namin Ng Damit Na Gawa Sa Papel

Pagkaalis ko sa bahay ay kaagad akong pumunta sa bahay ng aking kaklase upang gawin ang susuutin ng aming panlaban

para sa Miss Girl Scout of The Philippines.Pagkarating ko sa bahay ng aking kaklase ay nakahanda na aming mga gaga-

para sa aming gagawing damit tulad ng sako,dyaryo,gunting,panukat at iba pa.Ang una naming ginagawa ay sinukatan 

muna namin ang aming panlaban para sa gagawin naming damit na kanyang susutin.Pagkatapos masukatan ay ginupit namin

ang sako batay sa sukat ng pangagatawan niya at nilagyan narin namin ito ng garter upang hindi mahulog kapag ito ay

kanya ng susuutin.Pagkatapos gawin ang damit na yari sa sako ay gagawa naman kami ng palda na kapariha ng damit na

aming ginawa para sa kanya at nilagyan rin namin ito ng garter tulad ng sa damit.Pagkatapos naming gawin ang damit

at palda ay napag-desisyonan naming gumawa ng bulaklak na yari sa papel upang gamitin pang desinyo sa nagawa naming

damit at palda na yari sa sako.Medyo natagalan kami sa paggawa ng bulaklak dahil kakailanganin namin ang maraming

bulaklak.Nang matapos na namin ang mga gagamitin at iba pang kakailanganin ay nagpaalam na ako sa kanilang uuwi na

ako dahil medyo hapon narin kaming natapos sa aming ginawang kasuutan.Inihatid nila ako hanggang sa sakayan upang

masigurado daw nilang ligtas akong makakauwi sa amin.Pagkarating ko sa bahay ay kaagad akong nagpahinga dahil narin

sa subrang pagod na aking nararamdaman.

No comments:

Post a Comment