Pagkagising ko ay agad akong naghilamos t nagsuklay ng buhok.Tiniklop ko ang aking mga kagamitan sa pagtulog upang
maging maaliwalas sa aking paningin ang aking kwarto.Pagkatapos kung gawin ang pagtitiklop ay kaagad akong naglinis
sa buong bahay upang maalis ang ang mga dumi nito.Pagkatos kung maglinis ay ginawa ko ang aking morning exercise tu-
lad ng push-up,jogging,sumba and etc.Pagkatapos ku naman gawin ang aking morning exercise ay nag-init na ako ng tu-
big para sa aking kape.Nag luto din ako ng sinangag na kanin at spam para sa aking almusal ngayong umagang ito.Pag-
katapos kung magluto ay kumain na ako habang nagpapatugtog ako sa aking cellphone ng mga kanta ni Jerih Lim.Paborito
ko ang mga kanta niya dahil habang pinatutugtog ko ito ay damang-dama ko ang bawat mensaheng ipinahahayag o ipinara-
rating ng bawat salita sa kanta.Paborito ko rin siyang singer dahil gusto ko sa lalaki ang magaling maggitara kaya
naagaw niya ang aking atensiyon.Ang mga paborito kung kinakanta niya ay ang Pansamantala,Pagsuko at Magkabilang mun-
do.Nagustuhan ko ito dahil narin sa mahilig akong makinig ng mga love song na kanta.
No comments:
Post a Comment