Friday, September 30, 2016

Crazy Beautiful You

Si Jackie ay lumaki ng wala sa piling ng kanyang ina, tanging ang kanyang ama lamang ang kasama niya kaya ito naging

suwail sa magulang. Sumasali siya sa car racing hanggang sa siya’y nakulong at pinilit ng kanyang ina na pasamahin

sa medical mission sa Tarlac. Noong una ayaw niyang sumama pero dahil sa kapalit nito na doon siya mag-aaral sa New

York napilitan siyang pumayag.Tumira siya sa maliit na bahay doon sa Tarlac kasama ang dalawang bata,walang nag-aasikaso

at nag-aalaga sa kanya doon  maliban nalang sa kanyang sarili. Doon siya natutong tumayo sa sariling mga paa. Doon

niya naranasan ang hirap ng buhay walang kuryente, walang signal at kung maliligo siya pa mismo ang mag-iigib ng tubig

para sa sarili.Inaliw niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato sa lahat ng kanyang nakikita. Sa-

mantalang si Kiko naman ay hindi nawalan ng pag-asa sa pagpapaalala kay Jackie kung paano magmahal at magbigay sa kapwa.

Noong unang pagkakataon na nakita nya ang kanyang ina na abalang-abala sa pag-aalaga ng mga batang may sakit naiyak

siya at nainis dahil hindi man lang niya naramdaman na inaalagaan ng kanyang ina. Nagpatuloy lang siya sa pagkuha ng

litrato hanggang napansin siya ng kanyang ina na siya’y umiyak. Nabigyan nila ang isa’t-isa para magkausap at doon

ipinalabas ni Jackie ang lahat ng sama ng loob. Pinapaintindi ni doktora kay Jackie ang rason kung bakit niya nagawang

iwanan noon ang anak. Sinabi ni doktora na iniwan niya si Jackie dahil sa hindi nila pagkakaintindihan ng ama nito na

nagdudulot sa palagihang pag-aaway nila. Nangibang bansa siya para ayusin ang kanyang sarili at minsan na niyang bisitahin

si Jackie para makilala ito ngunit pinagkaitan siya ni Arthur, (ang ama ni Jackie) na Makita ang anak. Marami pang

nangyayari doon hanggang sa natauhan si Jackie at natutunan niya ring magpatawad, humingi ng tawad, makipaghalubilo

sa kapwa at higit sa lahat magmahal. Minsan na siyang nasaktan ngunit nagmahal parin siya hanggang sa papunta na siya

ng New York ay hinabol siya ni Kiko para ligawan. Sa tulong ni Marcus naging sila ni Kiko. Natutunan ng lahat na mag-

patawad at natapos ang kanilang pelikula ng lahat sila ay Masaya at may maraming magandang aral na ibinaon sa lahat

ng mga manood.

Wednesday, September 28, 2016

Mga Tauhan Sa Talk Back And Your Died


Main cast.James Reid as Timothy Odelle "Top" Pendleton.Nadine Lustre as Miracle Samantha "Sam" Perez.Joseph Marco as Jared

"Red" Dela Cruz.Supporting cast.Yassi Pressman as Audrey Dela Cruz.Via Carillo as Aphrodite "Sweety" Pendleton

Aj Muhlach as Lee Perez.Candy Pangilinan as Selene Perez.Bobby Andrews as Teddy Pendleton.Cristopher Roxas as Cri-

sostomo Perez.Jana Victoria as Ginny Pendleton.Isabelle Pressman as Aniya Marie du Courdrey.Crazy Trios.Coraleen

Waddell as Michie Sta. Maria.Donnalyn Bartolome as China Dela Vega.Rosalie Van Ginkel as Maggie Dela Vega.Lucky 13.

Bret Jackson as Jack Maunnick.Arkin Del Rosario as Seven Barasque.Josh Padilla as Six Barasque.Carlo Lazerna as Dos

Cetventez.Kiko Ramos as Philip Morello.King Certeza as Kyohei Sagara.Aki Torio as Jun Morales.Cliff Hogan as Romeo

D'Arrez.Billy Villeta as Alvince Montelegre,Ryan Kevin as Mond Villaraza.Clark Merced as Raine Montecillo

Tuesday, September 27, 2016

Alvin and The Chipmunks

Hmmm… this movie got only two star among the movie commentator chuva… pero wala ako care… kasi, nag enjoy naman ako

sa movie na ito sa kabila ng kakulitan ng pinsan ko na hindi mapakali sa upuan…  Aliw na aliw ako sa kanilang awit

ng “Christmas… Christmas… hula hoop…” well, yan lang kasi ang mga particular na salitang naalala ko sa kanta nila na

nag hit agad sa masa…Naaliw ako sa kakulitan ni Alvin, natuwa ako sa karakter ni Simon (tipong seryosong makulit),

at na-touch ako sa sweetness ni Theodore.  Even at my age, para akong musmos na batang nangangarap na sana totoong

nag-e-exist ang tulad nila at makakasama ko at para kaming isang pamilya na nag-aalaga at nagpapahalaga sa bawat isa.

Iyon ang aral ng pelikulang ito, ang pagpapahalaga sa pamilya.  Kung paanong itinuring ng tatlong chipmunks na pamilya

o ama si Dave Seville.  Dahil ang uri nila, kapag naipanganak na, matapos ang isang linggo ay iniiwan na sila ng magulang

nila upang mamuhay sila ng independent sa kanila.  Ipinakita nila na naghahanap sila ng kalinga ng magulang.

Naisip ko lang, bakit tayo kahit lagpas na sa 2/3 ng kalendaryo ang edad, tapos na ng kolehiyo at nagtatrabaho, hindi

pa din pinalalaya ng ating magulang… merong mabuting dulot, merong masama… di ko na nais palawigin… sabi ko nga, naisip

ko lang naman.Super ok ang movie na ito at nakakatuwa talaga, that is, kung mababaw lang ang kaligayan nyo gaya ko.

Monday, September 26, 2016

Si Agimat at Si Enteng Kabisote

Sa pagtugis ni Agimat (Bong Revilla) sa kalaban ay mapapadpad siya sa Enkantasya kung saan kasalukuyang sinusundo ni

Enteng (Vic Sotto) ang kanyang asawa na si Faye (Gwen Zamora). Sa simula ay mapapagkamalan ni Enteng na kalaban si

Agimat subalit mamamagitan si Ina Magenta (Amy Perez) at matatanto ni Enteng na magkakampi sila sa pagsupil sa kasamaan.

Upang matupad ang pagsasanib-puwersa nina Agimat at Enteng ay sabay silang magbabalik sa mundo ng mga tao upang magbigay

ng proteksyon laban sa paghahasik ng lagim ng mga kampon ng kadiliman. Sa maikling pamamalagi ni Agimat sa tahanan

ni Enteng nakadama si Agimat ng magkahalong kasiyahan at panibugho dahil sa nakita niyang magandang samahan ng pamilya

ni Enteng. Naisip niya na dahil sa pagtupad niya sa kanyang misyon na paglaban sa kasamahan ay hindi siya nagkaroon

ng pagkakataon na magkapamilya. Lingid sa kaalaman ni Agimat, si Samara (Sam Pinto), isang babaeng mandirigma, ang

matagal nang humahanga at inaasam na maging asawa niya. Magiging tulay ang batang si Bebeng (Jillian) na kapwa nila

nailigtas mula sa kamay ng mga halimaw upang magkalapit sina Agimat at Samara. Katulad ni Enteng ay nakasumpong din

si Agimat ng masayang pamilya sa piling nina Samara at ng ulilang si Bebeng na itinuring nilang anak. Samantala nag-

sanib din ng mga pwersa ang mga mortal na kalaban nina Enteng at Agimat. Mula sa taglay na kapangyarihan ng mga kampon

ng kadiliman ay ginaya ang anyo ng dalawa upang kidnapin sina Faye at Samara at pagbintangan ang isa’t isa. Dahil dito

ay magiging magkalaban sina Enteng at Agimat

Sunday, September 25, 2016

The Road

Ang tinaguriang psychological thriller ay pinangungunahan ng mga pangunahing artista ng GMA Network na sina Carmina

Villaroel, Marvin Agustin, Rhian Ramos, Barbie Forteza at TJ Trinidad kasama sina Alden Richards, Louise delos Reyes

,Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, Ynna Asistio at Renz Valerio. Naroon din sa pelikula para sa mahahalagang papel

ang mga artistang sina John Regala, Lloyd Samartino, Gerald Madrid, Allan Paule, Jaclyn Jose at ang ipinakikilalang

sina Dex Quindoza at Ana Abad Santos.Ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa labindalawang taong kaso na muling nabuksan

nang may tatlong kabataan ang nawala sa isang abandonadong daan o road.At habang gumugulong ang imbestigasyon,nagaganap

at natutuklasan pa ang mas maraming kahindik-hindik na kuwento ng pagkawala at pagpatay. Matapos ang dalawang dekada

, ang mga lihim ng daan ay tuluyan nang naibunyag pati na ang mga multong nananatili sa dilim at tinitiyak na walang

sinumang aalis sa daang iyon nang buhay.

Saturday, September 24, 2016

Pagpag Siyam na Buhay

Mapapadpad ang mga magkakaibigan na sina Cedric (Daniel Padilla),Hanna (Michelle Vito),Ashley (Miles Ocampo),Justin

(CJ Navato) and Rico (Dominic Roque) sa burol ni Roman (Paulo Avelino) matapos ang magdamag na pagliliwaliw.Nauna

rito ay magkakaroon ng mainitang pagtatalo sina Cedric at Hanna at magiging dahilan ng pagkasugat ni Cedric.Madidis-

kubre ng grupo na ang nangangasiwa sa patay ay si Leni (Kathryn Bernardo).Samantala,nagsasa-alang-alang ng mga pama-

hiin ang pamilya ng namatay, para diumano walang malasin na sumunod sa namayapa. Mga pamahiin tulad ng bawal ang

pagwawalis,bawal matuluan ng luha ang kabaong, bawal mag uwi ng pagkain,bawal kupitan ang abuloy,bawal tumingin sa

salamin,bawal makiramay ang may sugat,bawal dumiretso sa bahay at kailangan mag “pagpag” ng sarili kapag galing sa

burol o libing.Mangyayaring lalabagin lahat  ito ng magkakaibigan pati na ilang miyembro ng pamilya ng namatay.

Samantala,mapapag-alaman na napatay ng taong bayan si Roman dahil diumano sa pakikipagkasunduan nito sa dimonyo na

pumatay siya ng siyam na tao kapalit ng pagbabalik ng buhay ng namatay na anak.Dahil sa paniniwala na di nagpagpag

ng mga sarili pagdating sa kani-kanilang bahay ang mga nagtungo sa burol ni Roman ay  sinundan sila ng kaluluwa nito

at isa isang nagbuwis ng buhay sa ibat ibang paraan kasabay ng lagim ng takot na idudulot nya.Sa pagkakataong ito

ay siya naman ang magbabalik buhay kapalit ng siyam na mamamatay.Sa pagkasawi ng ikapitong tao ay mapapagtanto nina

Cedric,Leni at Mac Mac (Clarence Delgado) na may kaugnayan pa rin sa kasunduan na ginawa ni Roman sa dimonyo ang

mga malalagim na kaganapan at kailangan maisalba sa panganib ang dalawang buhay na maaring sila din.

Thursday, September 22, 2016

Alyas Robin Hood

Ang pinaka bida rito ay si Dingdong Dantes,bilang "Pepe".Magsisismula ang kanyang pagiging pasaway na anak ng dahil

sa nangyari sa kanyang kuya at sa mga nangyayari sa mga mahihirap na dinadaan lamang ng mga may kaya sa kanilang mga

pera o kayamanan.Sa nangyari sa kanyang kuya ay napadalas ang kanyang pakikipag away dahil narin sa gusto niyang ipa-

kita sa kanyang Ama na kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.Kaya naman ng lumaki na siya ay umalis siya sa ka-

nilang tahanan upang makaiwas sa kanilang pag-aaway ng kanyang Ama.Sa kanyang pag-alis ay naghanap siya ng pwede

niyang pagkakitaan ng pera.Delikado man ito o hindi ay kanyang ginagawa maipagpatulo lamang niya ang kanyang pag-aaral

sa Kolehiyo.Sa kanyang pag-alis ay doon siya nahanap ang taong tumulong sa kanya sa kanyang pag-aaral at ang tumulong

sa kanya upang makahanap ng matinong trabaho.Nang makapagtapos na siya ng kanyang pag-aaral na naisipan na niyang

umuwi sa kanyang mga magulang dahil naisip niyang mayroon na siyang maipagmamalaki sa kanyang mga magulang.Sa kanyang

pagdating ay hindi naging maganda ang kanilang unang paghaharap ng kanyang mga magulang,ngunit ng tumagal ay natutunan

narin siya nitong mahalin muli katulad ng pagmamahal na ibinibigay nila noon sa kanya bago pa magsimula ang lahat.

Wednesday, September 21, 2016

Ang Makakapatid na Sang'gre sa Encantadia

Ang unang bida sa palabas na ito ay si Amihan.Siya ang may hawak ng brilyante ng hangin.Siya ang naging reyna sa Lireo

dahil sa kanya iniwan ni Meni-a ang pamamahala sa kanilang kaharian.Ang pangalawa namang tauhan ay si Alena.Siya ang

may hawak ng brilyante ng tubig.Siya ang rin pinaka mabait at tahimik sa kanilng magkakapatid.Ang kanyang kaisa-isang

iniibig ay walang iba kundi si Haring Ebrahim o mas kilala bilang Ybbaro.Ang pangatlo namang tauhan ay si Danaya.Siya

ang may hawak ng brilyante ng lupa.Sa kanilang magkakapatid ay ito ang pinaka matapang at hindi marunong magpatalo

sa kanilang lahat.Ang kanyang sekretong iniibig ay si Aquil.Ang kanilang pinakamagiting na pinuno ng kanilang sanda-

tahan.Ang pang-apat naman na tauhan ay si Pirena.Siya ang may hawak ng brilyante ng apoy.Sa kanilang magkakapatid,

si Pirena ang pinaka panganay sa kanilang lahat.Si Pirena rin ang pinaka masama sa kanilang magkakapatid dahil sa

kagustuhan niyang maging reyna ng Lireo,na hindi naman natupad kaya naisipan niyang sakupin ang Lireo kasama ang san-

datahan ng mga Hathoria.

Tuesday, September 20, 2016

Mga Tauhan Sa Spongebob SquarePants

Ang mga pangunahing bida sa palabas na ito ay si Spongebob na isang palakaibigan at nakakatawang espongha na mahilig

manghuli ng mga dikya at paglalaro ng karate.Hanap-buhay niya ay ang pagpiprito ng Kraby Patty sa kainang Krasty Krub.

Siya ang magaling na trabahador ni Mr.Krubs.Siya ay may alagang Suso na ang pangalan ay Garry.Ang pangalawa naman na

tauhan ay si Patrick.Ang pinaka matalik na kaibigan ni Spongebob.medyo hindi naiintindihan ang mga bagay na nangyayari.

Ang pangatlo naman na tauhan ay si Mr.Krubs.Isang kuripot na alimango na may ari ng Krusty Krubs.Ang pang-apat naman

na tauhan ay si Pearl.Anak ni Mr.Krubs na mahilig sa gala at mga gimik.Ang pang-lima naman na tauhan ay si Squidward.

Kapitbahay ni Spongbob at Patrick na trabahador din sa Krusty Krubs at mahilig tumugtog ng klarinet bagamat walang

kaalaman rito.Wala masyadong nakakalam na isa siyang pugita at hindi isang pusit.Madalas siyang naiinis kay Spongebob

ngunit hindi nagsasawa si Spongebob na kaibiganinn ito.Ang pang-anim naman na tauhan ay si Garry.Alaga at kaibigan

ni Spongebob.Ang pang pito naman na tauhan ay si Mrs.Puff.Isang guro ni Spongebob sa pagmamaneho.Sila ang mga tauhang

kumukumpleto sa palabas na Spongebob SquarePants.

Monday, September 19, 2016

Tom and Jerry

Ang pinaka bida sa palabas na ito ay si Tom at Jerry.Si Jerry ay isang daga na simpleng naninirahan sa kanyang lungga

na kinatitirikan ng tinitirhan ni Tom na isa namang pusa na palaging pinagbabalakang hulihin at patayin si Jerry.Sa

kanilang dalawa ay si Jerry ang mas mabait.Si Tom naman ang masama sa kanilang dalawa,dahil kung ano man ang magustu-

han niya ay kailangan niya itong makuha sa paraang alam niya makasasama man ito o makabubuti sa mga maapektuhan ng

kanyang gagawin.Sa kanilang pag-aaway ay kadalasang nagkakaintindihanan at nagtutulungan ang dalawa kapag sila ay

parehas na mapapahamak.Ngunit hindi talaga naaalis kay Tom ang pagiging isang traydor,dahil sa kanilang pagtutulungan

minsan ay ipinapahamak niya si Jerry mailigtas lamang ang kanyang sarili.Sa mga ginagawang patibong ni Tom para hulihin

at patayin si Jerry ay nagagawan naman ito ng paraan ni Jerry para malampasan ang mga ginawang patibong ni Tom para

hulihin siya.Minsan ay hindi na natitiis ni Jerry ang mga ginagawa sa kanya ni Tom kaya naman naiisipan niyang gan-

tihan si Tom sa mga ginagawa nito sa kanya.

Sunday, September 18, 2016

Pacman and The Ghostly Adventure

Ang pinaka bida sa palabas na ito ay si Pacman na kumakain ng mga multo.Mayroong mga kaibigan si Pacman na palaging

tumutulong sa kanaya na patayin at ubusin ang mga multong gumagala sa kanilang lugar para lang maghasik ng kaguluhan

sa mga tao.Si Betrayus ang pinaka masamang kalaban ni Pacman dahil siya ang nag-aalaga at ang nag-uutos sa mga multo

na sakupin ng sang-katauhan upang siya na ang mamuno sa buong mundo.Maraming hawak na mga multo si Betrayus kaya naman

kahit na anong gawin ni Pacman na pagkain sa mga multong ipinapadala ni Betrayus sa kanilang lugar ay hindi parin ito

maubos-ubos.Maraming beses na nagpapadala ng kun g ano-anong klase ng multo si Betrayus sa lugar nila Pacman ngunit

madali lamang niya itong nauubos at napapatay sa paraan ng pagkain sa mga ito.Palagi siyang tinutulungan ng kanyang

mga kaibigan sa kanyang pakikipaglaban sa mga multo kaya naman mas napapadali sa kanya ang pag-ubos at pagpatay sa

mga ito.Sa huli ay palaging si Pacman ang nagwawagi sa mga multong ipinapadala ni Betrayus para sakupin ang sang-

katauhan,at para narin patayin si Pacman na laging humahadlang sa kanyang mga ginagawang plano.

Saturday, September 17, 2016

Ang Pagatatapos ng Descendants of The Sun

Natapos ang Descendants of The Sun ng buhay na nakabalik si Lucas at Diego.Noong mga panahon akala ni Maxine na patay

na si Lucas ay subra talaga siyang nasaktan.Palagi siyang umiiyak kapag naaalala niya ang mga bagay na nangyari sa

kanya kasama si Lucas.Sa mga panahong wala si Lucas sa tabi niya ay hindi naging madali itong tanggapin para sa kanya

dahil narin sa subrang mahal na mahal niya si Lucas.Sa matagal na pagkawala ni Lucas ay itinuon na lamang ni Maxine

ang kanyang oras sa panggagamot at pagliligtas ng buhay sa mga taong nangangailangan.Naging isang tanyag na Doktora

sa kanilang ospital.Lumipas ang isang taon at ang kamatayan ni Lucas ay nalalapit na,kaya naman naisipan ni Maxine

na dalawin ang puntod ni Lucas.Sa pagdating niya doon ay bumalik nanaman ang mga naiwang alaala ni Lucas para kay

Maxine,kaya naman hindi na niya napigilan pang umiyak.Sa pagtagal ng oras ay nahimas=masan na siya sa pag-iyak at

naisipan na niyang umuwi ng biglang tumunog ang radio at nagsalita si Lucas dito.Sa una akala ni Maxine ay nababaliw

na siya dahil naririnig niya ang boses ni Lucas.Pero sa pangalawang pagkakataon ay napaiyak nanaman siya dahil nala-

man niyang si Lucas talaga ang taong nagsalita sa radio.Subrang saya ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon dahil

sa wakas ay makakasama na ulit niya ang lalaking kanyang pinaka mamahal na si Lucas Yoo aka "Big Boss".

Wednesday, September 14, 2016

H2O Just Add Water

Ang pinaka bida sa palabas na ito ay ang tatlong magkakaibigan na sila Rikki,Cleo,Emma.Sila ay simpleng magkakaibigan

na nag-aaral ng mabuti at masaya sa kanilang pamumuhay.Hanggang sa dumating ang isang araw na napadpad sila sa Mako

Island at doon na nangyari ang simula ng pagbabago sa kanilang mga buhay at kapalaran.Nang dahil sa Mako Island sila

ay nagiging mga sirena sa tuwing sila nababasa ng kahit na anong klase ng tubig.Ang kanilang kaibigan na si Lewis

ang kaisa isang taong nakakaalam sa mga nangyayari sa kanilang buhay pati narin ang pagiging mga sirena nila ay alam

rin ni Lewis.Sa una ay hindi talaga nilang tatlo matanggap ang pagiging sirena,ngunit naisip isip nila na wala na

silang ibang magagawa kundi tanggapin ang lahat lalong-lalo na ang kanilang pagiging sirena.Si Lewis ay may gusto

kay Emma kaya naman kahit na anong iutos sa kanya ni Emma ay kanyang sinusunod.Si Lewis lang din ang mapagkakatiwa-

laan ng tatlo sa kanilang mga problema lalong lalo na sa kanilang pagiging sirena.Si Lewis ang tipo ng taong hindi

sinasabi sa iba ang mga bagay na dapat ay sa kanya lamang at sa taong nagsabi sa kanya.Dahil doon ay madali lamang

gumaan ang loob ng tatlong magkakaibigan kay Lewis at pinagkatiwalaan agad siya ng tatlo.

Sunday, September 11, 2016

Angel's Revenge

Ang pinaka bida sa palabas na ito ay si Angel.Na ang pangarap ay maging isang ganap na madre.Ngunit sa nangyari sa

kanyang Ate ay mag-iiba ang takbo ng kanyang buhay.Ang dating babaeng halos hindi makabasag pinggan at isang babaeng

mapagpatawad sa lahat ng may kasalanan at puro kabaitan ang laman ng puso ay lalamunin ng paghihiganti,galit at ka-

lungkotan sa kanyang puso't isipan.Sa kanyang paghihiganti ay makikilala niya si Rex na unting unting ibabalik at

ipaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa at may nagmamahal pa sa kanya.Mahuhulog ang loob niya para kay Rex.Ngunit

sa kabila nito  ay doon magbabalik ang kanyang galit at sama ng loob ng makita niya ang dating kasinthan ng kanyang

Ate na siyang pinaghihinalaan nitong pumatay ay nagpasakit sa damdamin ng kanyang Ate.Ngunit sa huli ay naibalik uli

siya ni Rex sa dating siya na mabait,hindi makabasag pinggan at ang babaeng mapagpatawad sa mga taong nagkakasala

sa kanya.at dahil doon makakalimutan na niyang maghiganti sa dating kasintahan ng kanya Ate.At unti-unti na rin

niyang kinalilimutan ang mga bagay na nakapag papaalala sa kanyang nasirang kapatid..

Bleach

Ang pinaka bida sa palabas na ito ay si Ichigo Kurosaki.Noong una ay simpleng lalki lang siya na gustong mag-aral at

makapagtapos ng kanyang pag-aaral.Hanggang sa dumating si Rukia.Si Rukia ay isang hindi pangkaraniwang babae dahil

may taglay itong malakas na kapangyarihan.Nang makilala niya si Ichigo ay ibinigay niya ang kanyang pangyarihan kay

Ichigo upang ito ang gumawa ng kanyang gampanin bilang tagapatay sa mga naliligaw na masasamang ispirito.Sa una ay

naging maganda ang ginagawa ni Ichigo para kay Rukia.Hanbang tumatagal ay parami ng parami ang mga dumarating na mga

naliligaw na kaluluwa sa lugar nila Ichigo kaya naman wala siyang nagawa kundi ang patayin ang mga ito upang hindi

na makapanakit pa ng ibang tao.Dumating ang tamang oras na kailangan ng kunin ni Rukia ang kapangyarihang ibinigay

niya kay Ichigo.At doon niya nalaman at nasaksihan kung paano lumabas at magpakita ang totoong kapangyarihan at ka-

kayahang tanglay at kayang gawin ni Ichigo.Doon niya nakita at naramdaman ang napakalakas na kapangyarihan ni Ichogo.

Saturday, September 10, 2016

She's Dating The Gangster

Ang pinaka piba sa palabas na ito ay sina Athena Dizon at Kenjie Delos Reyes.Si Athena ay isang simpleng babae na ang

gusto lamang ay makapag tapos ng pag-aaral.Si Athena ay may karamdamang ayaw niyang ipaalam at malaman ng iba maliban

sa kanyang mga magulang at kakilala na matagal ng alam ang kanyang karamdaman.Si Kenjie naman ay ang lalaking nagha-

hangad na mahalin ulit siya ng kanyang Ex.Pinilit ni Kenjie si Athena na mag panggap bilang kanyang kasintahan upang

pagselosin ang kanyang Ex.Hanggang sa hindi na kinaya ni Athena ang kakulitan ni Kenjie kaya naman napilitan na siyang

magpanggap bilang kasintahan ni Kenjie.Sa una ay nagiging maayos naman ang lahat dahil tumatalab sa Ex ni Kenjie ang

kanilang pagpapanggap ni Athena na pagselosin ang kanyang Ex.Isang araw ay inataki ng karamdaman niya si Athena dahil

sa mga lugar na pinupuntahan nila ni Kenjie.Hindi siya nakapasok buong araw dahil sa nangyari.Alalang-alala si Kenjie

kay Athena dahil simula umaga ay hindi pa niya ito nakikita.Nang humupa na ang karamdaman ni Athena ay kinausap niya

si Kenjie na kung pwede ay tigilan na nila ang pagpapanggap dahil hindi na niya kayang pigilan pa ang nararamdaman

niya para kay Kenjie.Dahil sa pag-amin niya ay umamin din si Kenjie kay Athena na mahal narin niya ito.Naging sila

ni Athena sa mga oras na yon.Isang araw ay may nangyaring masama sa Ex ni Kenjie kaya naman napilitang puntahan ni

Kenjie ang kanyang dating kasintahan.At doon nangyari ang pagpaparaya ni Athena kay Kenjie para samahan ang Ex nito

habang nabubuhay pa ito,dahil mayroon ding masamang karamdaman ang Ex ni Kenjie.Simula noon ay hindi na sila nagkita

pang muli.

Friday, September 9, 2016

Diary Ng Panget

Ang pinaka bida sa palabas na ito ay si Eya at si Cross.Si Eya ay isang simpleng babae na hindi manlang marunong mag-

ayos ng kanyang sarili.Siya ay nakikitira lamang sa kanyang tiyahin.Hindi siya maganda gaya ng sinabi ko kanina.Ma-

raming tigyawat ang kanyang mukha.Kumukuha rin siya ng kung ano-anong trabahong marangal.Si Cross naman ay ang tipo

ng lalaking pinaglihi sa sama ng loob,dahil lagi na lang ito nakasimangot at parang laling galit sa mundo.Si Cross ay

ipinanganak sa marangyang pamilya,na kayang bilhin pati ang buhay mo.Nang mga panahong kailang-kailangan ni Eya ng

pera ay naisipan niyang maghanap ng trabaho.Ang napasukan niyang trabaho ay ang pagiging Personal Alalay ni Cross

(P A).Sa simula ay hindi naging maganda ang kanyang pagtatrabaho kay Cross.Dahil lagi siya nitong pinapahirapan sa

mga gawaing iniuutus sa kanya ni Cross.NGunit habang tumatagal ay umiiba ang pakikitungo sa kanya ni Cross.Nagiging

mabait na ito sa kanya.Natututu nadin itong tumanggap ng pagkakamali at magsorry kapag nakagawa ng kasalanan.Hanggang

isang gabi hindi na natiis ni Cross ang nararamdaman niya para kay Eya,at dahil nagseselos narin siya sa mga lalaking

malapit at kaibigan ni Eya.Nagtapat din ng nararamdaman si Eya para kay Cross at doon naging sila.

Wednesday, September 7, 2016

Crazy Little Thing Called Love

Ang pinaka mahalagang gumaganap sa palabas na ito ay sina Shone at Nam.Si Shone ay ang tipo ng lalaking mahilig kumu-

ha ng mga litrato ng kung ano-ano mapa bagay,hayop halaman o tao pa man ito.Magaling din siyang maglaro ng soccer.Si

Shone ay isa ring sikat sa kanilang paaralan dahil narin sa kagandahang lalaking taglay nito.Matalino at mabait din

siya.Si Nam naman ay isang tipo ng babaeng walang kaayos-ayos sa katawan.Ngunit simula ng makita niya si Shone at mag-

kagusto siya sa binata ay inayosan siya ng mga baliw niyang kaibigan.Simul rin ng makita ni Shone si Nam noong binigyan

niya ito ng mangga ay nagklagusto narin ito sa kanya.Sumali si Nam sa isang patimpalak na siya ang gaganap bilang si

Snow White.Ang kapareha niya ay si Shone.Pagkatapos ng pagsali niya sa patimpalak na iyon ay isinali naman siya ng

kanyang guro sa Majorette.Simula ng sumali siya doon ay unti-unti ng nagbago ang kanyang itsura.Nang mga panahong may

balak na sanang umamin si Shone sa nararamdaman n iya para kay Nam ay naunahan siya ng kanyang pinsan.Ang akala ng

pinsan ni Shone ay sila na ni Nam dahil palagi niya itong hinahatid sa kanilang tahanan.Humingi ng pabor ang pinsan

ni Shone sa kanya na hindi pwedeng ligawan ni Shone si Nam,hindi alam ni Shone ang gagawin kaya naman pumayag na lang

rito.Dumating ang Valentine's Day.Naglakas ng loob si nam na aminin kay Shone ang kanyang nararamdaman.Ngunit huli na

ang lahat dahil si Shone ay meron ng kasintahan.Umalis si Nam sa kanilang lugar simula noong nangyari yon.Pumunta siya

sa kanyang papa at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral at pagtatrabaho.Naging isa siyang sika na Fashion Designer sa

Bangkok.Si Shone naman ay naging isang magaling na Photographer.Sa huli ay nagkita uli silang dalawa at doon na umamin

ng nararamdaman ni Shone para kay Nam.At doon din sila naging magkasintahang dalawa.

Tuesday, September 6, 2016

Descendants Of The Sun

Ang pinaka mahalagang tauhan dito na gumaganap ay sina Maxine Kang,Lucas Yoo.Si Maxine Kang ay isang doktor na gusto

lang matupad ang kanyang mga pangarap.Si Lucas Yoo naman ay isang sundalong ang pangarap ay makapaglingkod sa bayan

ay sa kanyang bansa.Sa una palang nilang pagkikita ay nagkagusto na agad sila sa isat-isa.Ngunit hindi alam ni Maxine

kung tama ba ang nararamdaman niya kay LUcas dahil natatakot siyang mahalin si Lucas dahil narin sa katayuan ng klase

ng trabahong kinakaharap nito araw-araw.Ngunit kung si LUcas ang tatanongin ay talagang seryoso siya sa nararamdaman

niya para kay Maxine.Kahit ilang beses nang nabusted si Lucas kay Maxine ay mamahalin parin niya ito hanggang sa huli.

Nang nagtagal ay hindi na kinaya ni Maxine ang pagtitiis kaya naman sinagot na niya si Lucas bilang kasintahan niya.

Si Moira Yoon at Diego Si Yoon naman ay may gusto rin sa isat-isa.Ngunit dahil sa papa ni Moira pinilit ni Diego na

iwasan si MOira dahil narin sa kagustuhan ng papa nito.Hindi gusto ng papa ni MOira si Diego para maging Kasintahan

ni MOira.Kaya naman ang ginawa ni Diego ay iniwasan niya si MOira upang hindi na lumalim ang nararamdaman niya para

sa dalaga.Ngunit habang lumalayo siya ay mas lalo lang niyang naaalala ang namimiss si MOira sa bawat araw na wala

ito s kanyang tabi.Nang hindi na niya natiis ay umamin narin siya sa nararamdaman niya kay MOira.Subrang saya ang

naramdaman ni Moira sa mga oras na yon,dahil ang lalaking matagal niyang minamahal at hinahabol-habol ay umamin sa

kanya ng nararamdaman nito.Kaya naman naging sila rin ni Diego,kahit na alam nilang dalawa na maaaring magalit ang

papa ni MOira at tanggalin sa trabaho si Diego ay ipinagpatuloy parin nila ito.

Monday, September 5, 2016

Ang Panonood Ko Ng Doraemon

Si Doraemon ay isang pusang robot.Marami siyang kayang gawin tulad ng pagtulong sa iba lalo na kay Nobita kapag ito

ay napapahamak dahil na rin sa katigasan ng ulo nito at hindi nakikinig sa kanya at sa kanilang mama.Si Doraemon ay

may mga kagamitan na gawa pa noong 7th century na nakatutulong sa kanya sa paggawa ng mabuti at kapakipakinabangan

sa kasalukuyan.Si Nobita ang kanyang itinuturing na matalik na kaibigan at kapatid.Ang pamilya ni Nobita ang naging

pamilya ni Doraemon sa kasalukuyan.Si Nobita ang klase ng batang tamad mag-aral at hindu nakikinig sa utos ng kanya-

ng mga magulang at pari narin ni Doraemon,kaya naman madalas siyang napapahamak dahil narin sa katigasan ng kanyang

ulo.Si Nobita ay isang batang mainggitin sa mga bagay na wala siya kaya naman palagi siyang lumalapit kay Doraemon

upang humingi ng mga bagay na kanyang kinaiinggitan.Wala naman nagagawa si DOraemon dahil na rin sa subrang kakulitan

ni Nobita ay napipilitan parin siyang ibigay ang mga bagay na ninanais nitong makuha.Si Damulag at Suneo ang madalas

na nagiging dahilan ng pag-iyak ni Nobita.Si Damulag din ang kinatatakutan ng lahat ng bata sa kanilang lugar dahil

narin sa angkin nitong kalakihan ng katawan at kalakasan.Si Damulag ay madaling magalit kapag siya ay inaasar.Si

Sizuka ay ang babaeng iniibig ni Nobita dahil narin sa subrang kagandahan at kabaitanng taglay nito.

Sunday, September 4, 2016

Pag-aayos Ko Sa Pagpasok Sa School

Pagkagising ko ay agad akong naghilamos at nagsuklay ng aking buhok.Pagkatapos kung magsuklay ay naglinis muna ako

ng aming bahay upang hindi magmukang basuhan ito lalo na ang aking kwarto.Pagkatapos kung maglinis ay ginawa ko muna

ang aking morning exercise ako tulad ng jumping jump,jogging,and push-up.Pagkatapos kung gawin ang aking mga morning

exercise ay nag-init naman ako ng tubuig para sa aking kape.Pagkatapos kung mag-init ay nagluto naman ako ng sinangag

na kanin at piniritong hotdog.Pagkatapos kung kumain ay inayos kona ang aking mga gamit na gagamitin para sa pagpasok

ko sa school.Pagkatapos kung ayosin ang aking mga gamit ay napagdesisyonan ko ng maligo.Pagkatapos kung maligo ay nag-

patuyo muna ako ng aking katawan bago ko suutin ang aking uniform.Pagkatapos kung magbihis ay kaagad kung inayosan

ang aking buhok.Nagpabango narin ako upang hindi ako mag-amoy mabaho lalo na kapag pinagpapawisan.Pagkatapos kung

mag-ayos sa aking sarili ay humingi na ako ng baon ko kay ate at nagpaalam na akong magtutungo na ako sa aming school.

Ang Paggawa Namin Ng Damit Na Gawa Sa Papel

Pagkaalis ko sa bahay ay kaagad akong pumunta sa bahay ng aking kaklase upang gawin ang susuutin ng aming panlaban

para sa Miss Girl Scout of The Philippines.Pagkarating ko sa bahay ng aking kaklase ay nakahanda na aming mga gaga-

para sa aming gagawing damit tulad ng sako,dyaryo,gunting,panukat at iba pa.Ang una naming ginagawa ay sinukatan 

muna namin ang aming panlaban para sa gagawin naming damit na kanyang susutin.Pagkatapos masukatan ay ginupit namin

ang sako batay sa sukat ng pangagatawan niya at nilagyan narin namin ito ng garter upang hindi mahulog kapag ito ay

kanya ng susuutin.Pagkatapos gawin ang damit na yari sa sako ay gagawa naman kami ng palda na kapariha ng damit na

aming ginawa para sa kanya at nilagyan rin namin ito ng garter tulad ng sa damit.Pagkatapos naming gawin ang damit

at palda ay napag-desisyonan naming gumawa ng bulaklak na yari sa papel upang gamitin pang desinyo sa nagawa naming

damit at palda na yari sa sako.Medyo natagalan kami sa paggawa ng bulaklak dahil kakailanganin namin ang maraming

bulaklak.Nang matapos na namin ang mga gagamitin at iba pang kakailanganin ay nagpaalam na ako sa kanilang uuwi na

ako dahil medyo hapon narin kaming natapos sa aming ginawang kasuutan.Inihatid nila ako hanggang sa sakayan upang

masigurado daw nilang ligtas akong makakauwi sa amin.Pagkarating ko sa bahay ay kaagad akong nagpahinga dahil narin

sa subrang pagod na aking nararamdaman.

Saturday, September 3, 2016

Ang Ginagawa Ko Tuwing Umaga

Pagkagising ko ay agad akong naghilamos t nagsuklay ng buhok.Tiniklop ko ang aking mga kagamitan sa pagtulog upang

maging maaliwalas sa aking paningin ang aking kwarto.Pagkatapos kung gawin ang pagtitiklop ay kaagad akong naglinis

sa buong bahay upang maalis ang ang mga dumi nito.Pagkatos kung maglinis ay ginawa ko ang aking morning exercise tu-

lad ng push-up,jogging,sumba and etc.Pagkatapos ku naman gawin ang aking morning exercise ay nag-init na ako ng tu-

big para sa aking kape.Nag luto din ako ng sinangag na kanin at spam para sa aking almusal ngayong umagang ito.Pag-

katapos kung magluto ay kumain na ako habang nagpapatugtog ako sa aking cellphone ng mga kanta ni Jerih Lim.Paborito

ko ang mga kanta niya dahil habang pinatutugtog ko ito ay damang-dama ko ang bawat mensaheng ipinahahayag o ipinara-

rating ng bawat salita sa kanta.Paborito ko rin siyang singer dahil gusto ko sa lalaki ang magaling maggitara kaya

naagaw niya ang aking atensiyon.Ang mga paborito kung kinakanta niya ay ang Pansamantala,Pagsuko at Magkabilang mun-

do.Nagustuhan ko ito dahil narin sa mahilig akong makinig ng mga love song na kanta.

Ang Panununod Ko Ng Pokemon

Paborito kung palabas ang pokemon sa lahat ng cartoons na aking napapanood.Dahil natutuwa ako sa kanilang

mga alagang pokemon at sa mga kapangyarihan nito.Lalong-lalo na kay pikachu kapag siya ay nagsasalita.Ang nagustuhan

ko kay pikachu ay ang kapangyarihan niyang electric type.Hindi man palaging si pikachu ang inilalaban ni Ash sa mga

patimpalak na kanyang sinasalihan ay si pikachu parin ang pinakamagaling sa lahat para sa akin.Gusto ko ang pagiging

trainor ni Ash para kay pikachu,dahil kung ano man ang magustuhan niyang maganda at makabubuti para sa kanyang mga

alagang pokemon ay kanyang makukuha o pipilitin niyang makuha para narin sa ikabubuti ng kanyang mga kasama at sa

mga alaga rin nitong mga pokemon.At hindi nila pinababayaan ang isat-isa sa kahit na ano mang kapahamakan at suliranin.

Friday, September 2, 2016

Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Gusto ko bilang Pangulo ng Pilipinas si Duterte,dahil napapasunod niya sa kanyang mga patakaran at alituntunin

ang kanyang mga nasasakupan.Ginagawa niyang lahat ang kanyang makakaya para sa ikauunlad ng Bansang Pilipinas.Maraming

ang may gusto na tumakbo siya bilang Pangulo ng Pilipinas,dahil narin sa kanyang mga nagawa at naitulong sa kanyang

mga kababayan at sa iba pa.Isa sa mga lugar ang Davao sa mga naging sentro ng kanyang pamamalakad bilang Mayor.Isa

rin ang Davao sa buong pusong sumupurta at nagtangkilik sa kakayahan at kabaitan ni Pangulong Duterte.Sa kanyang

pamamalakad bilang Pangulo ng Pilipinas ay unti-unti niyang nababago at napapaunlad ang hanap-buhay ng mga Pilipino

sa maganda at maayos na paraang kanyang naisip.Sa kanyang pagiging Pangulo ay marami ang pinanghahawakan ang mga sa-

litang kanyang iniwan at ipinabatid sa taong Bayan na lilinisin niya at pauunlarin ang Bansang Pilipinas sa abot ng

kanyang makakaya.