Si Tarzan ay isang tauhang kathang-isip at nilikha ni Edgar Rice Burroughs na unang lumitaw noong 1912 sa nobelang Tarzan
of the Apes (o Si Tarzan ng mga Matsing), na sinundan pa ng dalawampu't tatlong mga karugtong na nobela. Anak siya ng
isang Lord at isang Lady na nasadlak sa kanlurang babaydagat ng Aprika dahil pagaalsa ng kanilang mga kasama. Namatay
ang mga magulang ni Tarzan noong siya ay sanggol pa lamang, at pinalaki siya ng mga Mangani, espesye ng mga magigiting
na gurilyang hindi pa kilala sa larangan ng agham. Si Kala ang kaniyang inang gurilya. Tarzan (o Puting-balat) ang kaniyang
pangalang pang-matsing, samantalang John Clayton Greystoke (Panginoong Greystoke) naman ang kaniyang pangalan sa wikang
Ingles (ang pamagat sa taong Panginoong Greystoke; Ingles: Lord Greystoke) ay ayon kay Burroughs; subalit naging Earl
of Greystoke sa kalaunan na nagmula sa mga hindi opisyal na mga talasanggunian, katulad ng pelikulang Greystoke - The
Legend of Tarzan, Lord of the Apes (Greystoke -Ang Alamat ni Tarzan, Panginoon ng mga Matsing; 1984). Sa panahon ng
kaniyang pagiging hindi pa ganap na may gulang na tao, nakilala niya si Jane Porter na nasadlak din, kabilang ang kaniyang
ama at ilan pang mga kasama, sa mismo ring pook sa pampang ng Aprika kung saan nasadlak ang mga magulang na tao ni Tarzan
halos dalawampung taon na ang nakalilipas. Nang magbalik si Jane Porter sa Amerika, iniwan ni Tarzan ang gubat upang
hanapin si Jane, ang kaniyang nag-iisang pag-ibig. Sa mga sumunod na aklat tungkol sa dalawa, nagpakasal sina Tarzan
at Jane at namuhay na magkasama ng ilang panahon sa Ingglatera. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Jack na gumamit
isang kataguriang pang-matsing: si Korak ang Mamamatay. Hinamak ni Tarzan ang pagiging mapagbalatkayo ng kabihasnan
kung kaya't nagbalik siya at si Jane sa Aprika kung saan nabubuhay pa sila bilang mga walangkamatayan.
No comments:
Post a Comment