May isa na namang panganib ang haharapin ng mundo! May parating na asteroid at mukhang babangga ito sa Earth. Susubu-
kan nina Goku at Krillin na pasabugin ito gamit ang kanilang mga Kamehameha Waves ngunit wala itong magiging epekto
sa asteroid.Suwerte naman at hindi ito tumama sa Earth! Ngunit sasabog at magkakapira-piraso ito na siya namang magi-
ging dahilan para makapasok si Lord Slug at ang kanyang mga mandirigma sa planeta. Plano nilang balutin ng yelo ang
buong mundo at gawin itong bago nilang tahanan.Lalabanan naman nina Gohan at Chi Chi ang mga ito. Sa init ng labanan,
hindi mapapansin ni Gohan na nahulog na pala ang kanyang sumbrero. Mapupulot ito ni Lord Slug at mapapansin ang Drag-
on Ball na nakakabit dito. Malalaman niya kung ano ito nang basahin niya ang isipan ni Chi Chi.Uutusan ni Lord Slug
ang kanyang mga tauhan na hanapin ang iba pang mga Dragon Balls. Nang maipon nila ito, hihilingin niya ang habambuhay
na pagkabata.Mapapasakamay ba ni Lord Slug ang mundo? Ano ang dapat gawin ni Goku para matalo ang nilalang na ito?
No comments:
Post a Comment