Tuesday, November 15, 2016

Super Inday And The Golden Bebe

Ibinagsak sa lupa ang anghel na si Goldie (John Lapuz) upang maghanap ng panibagong superhero bago siya muling makabalik

sa langit. Kasama ang isang tyanak na namatay bilang sanggol ay pupuntiryahin nila si Inday (Marian Rivera) upang bigyan

ng mga pagsubok bago ipagkaloob ang buong kapangyarihan ng isang superhero. Si Inday ay isang simpleng probinsyana na

nagpunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina. Mamamasukan siya sa dating pinagtratrabahuhan ng ina bilang

katulong. Bagamat malupit ang mayordomang si Kokay (Pokwang) at ang bagong asawang si Ingrid (Mylene Dizon) ay mapapalapit

naman si Inday sa dalawang anak ni Danilo (Jestoni Alarcon). Samantala, pilit na inaalam ni Super J (Jake Cuenca) ang utak

ng mga halimaw na dumurukot sa mga bata. Sa kanyang paghahanap ay mapapadpad siya sa pagawaan ng mga laruan na pag-aari

ni Danilo at Ingrid. Dito magkakatagpo-tagpo ang kanilang mga landas para sa maaksyong katatawanan.

No comments:

Post a Comment