Monday, November 7, 2016

Mara Clara

Bagong panganak pa lang sina Mara at Clara ay pinagpalit na sila sa ospital. Ang mga detalye ng pangyayaring ito ay

naisulat sa talaarawan ni Karlo, isang tauhan sa ospital at tunay na tiyo ni Clara. Si Mara ay lumaki sa pangangalaga

ng mahirap na mag-asawang sila Susan at Gary David. Si Clara naman ay lumaki na ang kinikilalang magulang ay ang may

amang mag-asawa na sina Amante at Alvira del Valle. Tanging sila Gary at Karlo ang nakakaalam ng katotohanan. Labinlimang

taon ang nakalipas at lumaking mabait at masunuring anak si Mara, samanatalang si Clara nama'y lumaki sa layaw at naging

makasarili. Kinuhang kasama sa bahay nina Alvira at Amante si Mara at siya'y pinaaral. Wala silang kamukat-mukat na

ang kinuha pala nilang kasambahay ay ang kanilang tunay na anak. Naging magkaeskuwela sila Mara at Clara. Noong una,

sinusungitan ni Clara si Mara ngunit kinalaunan, naging matalik silang magkaibigan nang naging magkatambal sila sa isang

paligsahan. Nagbago ang lahat ng ito nang magkakilala sina Mara at Christian at yumabong ang espesyal nilang pagtingin

sa isa't isa. Lingid sa kanilang kaalaman, may lihim na pagtingin din si Clara kay Christian at handa niyang gawin ang

lahat upang mapasakanya ang binata. Nang malaman ni Clara na ang iniibig ni Christian ay hindi siya kundi si Mara, nagselos

ang dalaga at dito nagsimula ang pagkapoot niya kay Mara.

No comments:

Post a Comment