Monday, November 14, 2016

Marimar

Si Marimar ay isang mahirap at inosenteng dalaga na nakatira sa may dalampasigan kasama ang kanyang lolo at lola. Siya

ay umibig kay Sergio, anak ng isang mayaman. Si Sergio ay pumayag na pakasalan si Marimar kahit na hindi ito gusto ng

kanyang ama at madrasta ngunit habang lumilipas ang panahon siya ay umibig ng matindi kay Marimar.Ang madrasta ni Sergio

na si Angelica ay hindi gusto si Marimar dahil sa pagiging inosente at walang alam sa mundo ng alta sociedad nito. Lagi

pinapahiya ni Angelica si Marimar, madalas na minamaliit nito ang pagkatao nito. Nagalit si Sergio at nagpasiyang umalis

at kumita ng sariling pera upang maialis si Marimar sa bahay ng kanyang ama at ligtas kay Angelica. Isinuplong sa pulis

ni Angelica si Marimar dahil nagnakaw daw ito ng pulseras mula sa kanya at nakulong si Marimar. Habang si Marimar ay nasa

kulungan, pinadala ni Angelica ang isa sa kanyang mga tauhan, na si Nicandro, na sunugin ang maliit na kubo ng lolo at lola

ni Marimar, at dahil dito namatay ang lolo at lola ni Marimar. Pagkatapos, ginaya ni Angelica ang sulat-kamay ni Sergio at

sumulat ng isang liham para kay Marimar na nagsasaad na wala na siyang gusto dito at hindi na siya mahal nito. At dahil sa

mga pangyayaring iyon binago siya nito at naghasik ng paghihiganti balang araw.Matapos lumaya, nagtungo si Marimar sa siyudad

ng Mehiko mula sa kanyang pinagmulang San Martin de la Costa at siya ay nagtrabaho upang manumbalik ang buhay at habang ito

ay nangyayari nakilala niya ang kanyang tunay na ama, na hindi nito alam at siya rin ay hindi alam, at siya ay tinuruan kung

paano maging isang babaing may dangal, magbasa, magsulat, magsalita ng maayos at manamit.Pagkatapos ng malaking pagbabago ni

Marimar at handa ng humarap sa lipunan, nagpasiya ang kanyang ama na dalhin siya sa Opera at doon nakita niyang muli si Sergio

at dito nag-umpisa ang aksiyon. Dahil sa paghihiganti, inakit ni Marimar (ginamit niya ang bagong identity na "Bella" at tinatanggi

niya kay Sergio at sa ibang mga tao na siya si Marimar) si Sergio at pagkatapos ito ay tatanggihan para saktan niya ito, at kasabay

nito tinanggalan niya ng kayamanan ang ama at madrasta ni Sergio. Binili ni Marimar ang bahay ng mga Santibáñez at pinahiya niya

si Angelica katulad ng pagpapahiya sa kanya dati. Diniborsyo ni Sergio si Marimar at naghandang pakasalan si Innocencia, nagplano

si Marimar na paghiwalayin ang dalawa. May lihim parin ng pagmamahal si Sergio kay Marimar.Si Angelica ay nakasama sa isang aksidente

sa kotse, nasunog at namatay na may huling kahilingan kay Marimar na siya (si Marimar) ay masunog ng buhay sa kanyang bahay. Nalaman

ni Innocencia na dinadalaw ni Sergio si Marimar at sinubukang pumasok sa bahay ni Marimar. Si Innocencia ay nagdadalang-tao (kay

Sergio) at siya ay nahulog at dinala sa ospital na kung saan siya ay nanganak at nagkaroon ng tumor sa utak. Nagpasiya si Marimar na

kalimutan na si Sergio sa pamamagitan ng pag-ibig muli sa ibang lalaki na isang inhinyero na nagngangalang Adrián Rosales. Pagkatapos

noon, inoperahan si Innocencia sa kanyang utak at pagkatapos ay nagsisi siya sa lahat ng mali niyang nagawa at pinahintulutan niyang

pakasalan ni Marimar si Sergio. Sa katapusan sila ay nagpakasal at namuhay ng masaya.

No comments:

Post a Comment